Open main menu

OrthodoxWiki β

OrthodoxWiki:Tagalog

Tagalog (Filipino) content, archived from tl.orthodoxwiki.org.

Articles

Stubs

Unang Pahina

Maligyang pagdating! Ito ang OrthodoxWiki sa Pilipinas, isang kapulongan ng kaalaman sa Kristiyanismo sa Silangan, lalo na sa Iglesia Orthodoxa sa Pilipinas.

Meron palang sangay ang Iglesia Orthodoxa sa Pilipinas?

Oo, meron, ngunit kaunti pa lamang ang kasapi nito. Ang karamihan ng Kristiyano sa Pilipinas ay mga Romano-Katoliko o mga Protestante. Ang Iglesia Orthodoxa sa Pilipinas ay binubuo ng mga dayuhang Griyego, Ruso, Romaniano, at iba pang mga liping unang nakatanggap ng Orthodoxia, at marami na ring mga Pilipinong nabinyagan o nakumpilan.

Patrona

 
Ang Ina ng Diyos na Pinagpakasakit

Ang patrona ng OrthodoxWiki sa Pilipinas ay ang Ina ng Diyos na Pinagpakasakit. Ang Kanyang larawan ay idinarangal ng mga Romano-Katoliko bilang Ina ng Laging-Saklolo. Nawa'y pagpalain ang mga Pilipino ng patnubay ni Inang Maria na Theotokos, sa kabila ng mga panganib at kahirapan.

Ikaw na Tagapagtanggol
at Pinunong nanaig nang ganap
ay pinasasalamatan ng Iyong mga alipin, O Theotokos.
Sa aming mga hirap kami'y Iyong pinalaya,
dahil sa Iyong kapangyarihang hindi-magapi.
Palayain sana kami sa mga panganib, O Theotokos
nang makasambit kami: Aba, O Inang-Birhen!

- Ang Awit sa Inang Maria, Tagapagtanggol at Pinuno (Ti Ypermacho),
Bisperas ng Kapistahan ng Akathistos ng Kabanal-banalang Theotokos

Paunawa hinggil sa mga Awit

Katulad ng Awit sa itaas, ang mga awit ay hindi pa ginagamit sa liturhiyang Orthodoxa sa Pilipinas. Ito ay mga pagsasalin lamang o mga bersyong kinatha mula sa Ingles, na siya namang naisalin mula sa orihinal na Griyego (o kaya'y Slavonico de Iglesia/Church Slavonic). Aming adhika na ang pagsamba ng mga Orthodox sa Pilipinas ay unti-unting makagamit ng mga ganitong mga awit na isinalin. Kung mayroong naiba o pagkakamali sa mga naturang awit, mangyari lamang pag-usapan natin ang mga ito sa pahina ukol sa diskusyon ng mga artikulong naturan. Salamat!

- User:Nekta rio, 3-10 Apr 2011

Dakilang Pasko

Ang Dakilang Pasko (o Pasko) ay kapistahan ukol sa Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesu-Kristo. Galing sa Griyego Πάσχα (Pascha), na siya namang galing sa Hebreo na Pesach, ang pangalan na ito. Nagi-iba-iba ang araw ng pagdiriwang ng Pasko taun-taon.

Pagdiriwang

Ang muling pagkabuhay ni Jesu-Kristo ang saligan ng paniniwalang Kristiyano. Naghahanda ang mga Kristiyanong Orthodox para sa pagdiriwang ng pangyayaring ito sa loob ng labindalawang linggo: mga Linggo ng Triodio,Dakilang Kuwaresma, at Semana Santa.

- User:Nekta rio, 25 Apr 2011